Lunes, Pebrero 27, 2017

Ang pagtulong sa mga adik

          Akala mo siguro kung bahagi ako ng programa ni Duterte tungkol sa war on drugs dito sa Pinas. Pero hindi, call center agent ako at ang campaign namin is to look for drug abused and alcoholic person in the US--yes, you read it right ! Sa buong Amerika. Angas diba? Gusto mo bang bigyan pa kita ng sample kung paano namin na papa-oo ang mga adik na kano paera lamang magpunta sa rehabilitation center? Wag na. 

I was actually hired by Linkpro Business Solutions here in Urdaneta City, Pangasinan. Let me just share my experience with the people behind such a wonderful company. So just in case you guys are looking for a BPO company here in Urdneta, please visit Linkpro Business Solutions. Complete address and details will be posted at the end of my blog. Thanks!

So here is the company's logo. 



It's not as big as the BPO company in the rural areas like Manila but I assure you, you will have the best experience and will definitely love being a customer service representative if you will be working here. 

So I was saying awhile ago, isa ako sa mga agent na naghahanap ng mga adik sa Amerika para matulungan silang magpagamot. Naks ! Feeling superhero. Jeane ang phone name ko, angas no...yung feeling na kapangalan ko pa yung girlfriend ni Wolverine. Haha, kidding side. 

"Hello, this is JEAN, with the National Treatment Helpline. Our record shows that you or a loved one still seeks treatment for drugs or alcohol. Correct? " 

Yan yung isa sa mga spiel namin, madali lang naman ang trabaho. Kailangan mo lang talagang labanan ang antok para maka-sale ka. Syempre babagsak ang statistic mo kung tulog ka, paano ka ba naman makaka-sale kung paantok antok ka. Buti nalang libre ang kape, kaya kahit na lumaklak ka ng sandamakmak na kape...okay lang. 


Mabait ang boss. Magperform ka ng maayos, sasahuran ka ng maayos. Plus, the benefit of working at night is also given. Medyo minsan malilito ka nga lang sa araw pero okay na din. Mabilis lang lumipas ang araw, magugulat ka nalang payday na pala. May pera ka na naman. 

Isa pang nagustuhan ko sa company? I don't feel like I am working here. Kasi diba may kasabihan nga sa Ingles "Choose a job you love, and you will never have to work a day in your life." 



Ito yung group picture ng campaign namin, with our corresponding phone name. Nakakatawa diba? The one whose face is encircled is chubby, este Venus, Venus talaga ang phone name niya, hindi Chubby. Yan ang product ng Biguerlai Tea...Kaya alam nyo na, hindi talaga effective yun diba? 

Pero seryoso, yung lalaking nasa gitna, is our boss. The CEO of Linkpro. 



 So ayan sila, mahilig mag groufie.






Yan lang naman yung ilan sa mga group pictures nila habang nagddial na kami. Hayok na hayok sa camera no? Hahaha

Sa campaign na ito ko naranasan yung tipong hahang up-an mo nalang yung customer mo kase sobrang slang. Hindi ko siya maintindihan para kasing si Gloc-9. Nakakatawa pa dito -oo yung mga cx na halos ibalibag na yung mouse kasi hindi nila mapa-oo yung cx, sayang ! Sale na sana...nagrequest pa ng callback. 

Madalas din kaming mainis kapag ang haba na ng listahan ng callbacks pero ang dami na ng dahilan ni cx like..."I'm currently walking right now, can you call me back?", "I am busy at the moment, call me after 2 hours", after two hours naman tinawagan mo ulit..."I am about to sleep now, call me tomorrow". Ang saya diba? Pinasunod sunod ka lang na parang aso tapos pinapaasa ka lang pala nila. 


To be continued...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento